Bagong-Produkto

7 Bagay na Planuhin Bago Maglabas ng Bagong Produkto

ni Homer Nievera, CDE | Matagal ka man sa pagnenegosyo a magsismula pa lang, ang paglabas ng bagong produkto ay kritikal. Maraming dapat ikonsidera ditto dahil di basta-basta ang pagpaplano para dito.

Narito ang pitong bagay na dapat mong pagplanuhan bago sumalang sa bagong produkto mo:

#1 Alamin ang Pangagailangan

Ang solusyon sa isang problema ay madalas na nagtatagumpay kung maayos mong nasaliksik ang pangangailan ng mga tao.  Dito ka magsimula. Isulat ang mga ito sa isang kuwaderno o sa telepono mo. Balik-balikan ito hanggang sa mabuo ang tunay na pangangailangan.

#2 Tanugin ang mga Kostumer

Sino pa ba ang bibili ng bago mong produkto kundi ang mga kostimer mo, di ba? Para medaling malaman ang mismong kailangan nila, sila mismo ang tanugin. Mag-survey ka muna. Kahit nga sa Facebook ay may “Polls” na magagamit. Puwede din ang Survey Monkey or Google Docs. Gawin mo na muna ito bago ang mga susunod na hakbang.

#3 Tanungin ang mga Designer

Ang mga designer ng mga produkto ay madalas may mga naiisip na solusyon o iba’t-ibang bagay na may kinalaman sa nais mong i-launch na produkto. Tanugin mo sila. Malaki ang maitutulong nila.

#4 Huwag Titigil sa isang Disenyo lang

Kung kuntento ka na sa isang disenyo na malamang ay galing din sa iyo, mali ito. Dapat may pagpipilian ka at ang iyong mga gusting sampulan na kostumer. Paghandaan ang di bababa sa tatlong disenyo na pagpipilian bago mag-desisyon.

#5 Materyales

Ang materyales ay siyang isa sa mga pinakamhalagang aspeto ng isang produkto lalu na sa larangan ng halaga nito at kalidad. Magsaliksik ng husto. Huwag lang aasa sa Internet. Magtanung-tanong sa maraming suplayer.

#6 Kapital

Kung di maayos ang pagpopondo sa bagong produkto, magkakaproblema ka. Kaya sa umpisa pa lang, siguraduhing may panggagalingan ka ng pondo para sa “product development.” Maraming nagpapahiram ng pera bilang investment o loan. Alamin kung ano ang mas mainam. Sa ganag akin, mas ok ang loan. Kahalili ko ang Fundko.com sa mga loan para sa mga startup at sideline. Check mo sila.

#7 Testing

Kung nabuo mo na ang bagong proukto, isalang sa testing. Kung ilang testing ang kailangan, sige lang. Hanggang sa makuntento ka bago ito ilabas sa merkado.

Mabuti na ang handing-handa kesa sa minamadali ang paglabas ng bagong produkto. Tandaan, pangalan mo at ng kumpanya ang nakataya dito.

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa email@negosentro.com o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

You may also like

Leave a comment