Digital-Negosyante

6 na Bagay na Natutunan Ko Bilang Digital na Negosyante

Homer Nievera, CDE | Sa ika-anim na anibersaryo ng Pilipino Mirror, na may temang “Matatag na Tumugon sa Hamon sa Ika-6 Taon,” ang pitak na ito ay nagbibigay espasyo para sa pagtugon ng diyaryong ito sa hamon ng panahon ng teknolohiya.

Marahil may pangarap kang magnegosyo sa harap ng beach o habang nasa ibang bansa at nagka-kape sa Paris. Sa panahon ng digital at teknolohiya, maaari naman itong gawin kung paghahandaan mo ang maraming aspeto ng iyong negosyo.

Kasalukuyan koi tong nagagawa ngunit sadyang di nagging madali ang pag-shift mula sa tradisyunal na setup patungo dito. Ibabahagi ko sa inyo ang ilan sa aking mga natutunan:

#1 Ayusin ang Istruktura ng Negosyo

Sa una pa lang, kailangang pag-isipan ang setup na gagawin mo. Di madaling magshift kung sanay ka at ilang empleyado o aspeto ng negosyo sa isang tele-commuting na setup. Isaliksik ang mga gagamiting equipment at wi-fi o data source para dito. Dapat, may maayos din kayong iskedyul ng Skype miting o iba pang paraan. Ako, alam ng mga tao ko na dapat ay nakalogin sila sa FB messenger anumang oras dahil doon ako lumalagi dahil sa mga negosyo namin na kasama ang FB.

#2 Chill nga ba?

Pantasya lang naman talaga ang pagnenegosyo sa harap ng beach. Ibig sabihin, di laging chill lang o relax lang ang kapaligoran sa pagnenegosyo, digital man ito o hindi. Pero kung ikukumpara ang ganitong pagnenegosyo sa Asya man o sa Europa o Amerika, mas chill naman sa atin. Kaya tingnan mo din kung sino ang kaugnayan mong kostumer. I-ayon ang schedule mo sa kanila.

#3 Komunikasyon

Maraming aspeto ang komunikasyon lalu na kung digital-mode ka. Ang smartphone mo ang isa sa pinaka-mahalagang gamit na mo para sa komunikasyon. Ako kasi, email ang madalas na gamit ng mga kliyente ko abroad. Kaya may oras akong tumugon kahit na iba-iba ang oras ng trabaho nila. At dahil nasa Pilipas ako, malaking bagay ang maagap na pagtugon sa pangangailangan ng mga empleyado ko. May mga ilang regular na empleyado ako na nasa ibang probinsya. Parang virtual assitants pero tunay na empleyado. Nakakatipid sila sa oras at pera at mas inspirado silang magtrabaho basta maayos ang komunikasyon.

#4 Bantayan ang Benta at Cashflow

Ito ang madalas na aspeto ang nakakaligtaan ng mga digital ne gosyante. Ayusin ang sistema ukol ditto. Dapat may regular kang reporting at koordinasyon sa mga taong nagpapasok ng pera at finance.

#5 Integridad

Hindi matatawaran ang integridad sa trabaho maging digital man ito o hindi. Dahil nga di kayo pisikal na nagkikita, parang LDR (long distance relationship) ang peg niyo. Kaya panatilihin ang ganitong kultura sa lahat ng bagay. Makakatulong ang mga CRM tools kung saan madaling ma-track ang progreso at komunikasyon sa bawat isa at sa bawat proyekto. Ang tip ko lang ay gawing results-oriented ang kultura niyo para kung per-project ang inyong reporting, madaling kunin ang updates.

#6 Ugnayan

Kada buwan, may birthday celebration sa pisikal na opisina naming – andun ka man o wala. Pero ako, isang beses pa lang akong lumiban dahil sa isang emergency. Importante din ang mga bonding events gaya ng outing at Christmas Party kung digital negosyante ka. Sa dulo, tao pa rin ang kaugnayan mo kaya’t maging bukas sa komunikasyon at pakikipag-ugnayan.

 

You may also like

Leave a comment